Cambodia para sa taong nagmahal ng sobra!
Cambodia para sa taong nagmahal ng sobra! <3 #ADEventure
Did you know? or Alam niyo ba na mamahalin mo yung Cambodia ng sobra? If you are so rural lover and you love the ambience of Sagada or Baguio you will surely love the border part between Thailand and Cambodia. Sobrang lamig sa umaga, hindi matao na lugar, yun nga lang agaw pansin parin ang mga bahay, building architecture, kultura, at ancient and historical Wat Po ng Cambodia.
I never expect na mapuno ko yung passport ko ng stamp kakalabas at pasok ng Thailand and Cambodia. Dahil full time ang trabaho ko sa Thailand at probationary palang ako sa trabaho mapipilitan talagang akong mag exit sa Cambodia or Laos, kasi wala pa akong visa. To make the short story, pasaway ako sa Thailand, nakakatakot pero kailangan kong eenjoy kasi kaialngan kung mag ipon ng pera.
Swerte ko mga panahon noon kasi hindi pa masyadong strikto ang immigration ng Thailand, kasi I survive sa kaka exit sa mga malapit na karatig bansa. Maraming Pinoy din na ganito ang gawain at sobrang nakikita ko ang hirap ng bawat isa kasi yung iba kailangan mag absent at pagbalik ng Thailand naman kailangn naman pumasok agad kasi sayang ang kita. Tips ni Mang Kanor bagu ka mag desisyon lumabas ng bansa.
Ang limang tips na dapat tandaan at pagisipan bago magtrabaho abroad or 5 tips you need to think before you decide to work abroad:
1. Una, kailangan masanay ka na wala ang magulang mo sa iyung tabi. Sanayin mong mabuhay mag isa, pwede kang mag practice like pumunta ka sa isang lugar na malayo sa bahay mo at sa mga magulang mo or kahit sa mga relatives mo, yung tipong wala kang kilalang tao. Kung ikaw taga Iloilo pwede ka mag practice maghanap ng trabaho sa Cebu or Manila alone. If you experience this for 1 year pasok ka na sa unang criteria. HAHA.
2. Bawal maarte. Ito ang pinaka importante kasi kung kulang ang budget mo dapat hindi ka maarte sa mga lugar, tao, at pangyayari na mararanasan mo kasi mabilis kang ejudge ng ibang pinoy sa labas. Kung ikaw naman ay maarte talga kasi hindi na matanggal ang kapal ng kaartehan mo sa balat mo, at may pera ka, wag kanalang mag trabaho sa labas kasi hindi ka pasok sa criteria or surviving there.
3. Marunong makisama sa ibang lahi at kapwa pinoy. Hayss yes ito ang pinaka importante, ang paglabas ng ibang bansa ay parang pumasok ka lang sa bahay ni kuya, may nomination, may eviction, at may big winner. Dapat marunong kang makisama para hindi ka manominate, kasi marmaing Pinoy ang kaya kay e evict sa iyong trabaho or sa bahay na tinitirhan mo at wala kanang pagkakataon na maging big winner kasi ambilis ng mga taong mag unvote sa paligid mo.
4. Enough experience. Isa din sa mga payo ko ay dapat enough ang experience mo sa anu mang trabaho na gusto mo applyan mapa mababa man or mataas na position kasi hindi katalinohan ang labanan sa pagtatrabaho abroad, ang labanan ay kasipagan, tiyaga, at malawak na experience upang tumagal sa isang trabaho.
5. Marunong mag ipon. Mamang at Papang kung ikaw ay magastos sa lahat ng bagay at hindi ka marunong mag ipon, sinasabi ko sayu sa Pilipinas ka nalang magtrabaho kasi hindi mo ma hit yung goal mo. Kakainin ka ng oras mo kakatrabaho at uuwi ka ng Pilipinas na walang may naipundar. Kung gusto mong magstay sa lugar kung saan ka nagtatrabaho for a lifetime, you still need to save money (times two) double ang pag iipon, kasi mahirap magsimula ng bagong buhay sa lugar na hindi mo nasayanayan. Kung ikaw naman ay walang plano mag stay, you still need to save money every now and then, upang mapabilis and pag attain ng goal mo, at maabot mo lahat ng panagarap mo sa buhay.
Marami din akong natutunan sa experience na iyon kasi hindi ko inaakala na magrow ako bilang isang matured person, kaya kong mag survive na mag isa at magagawa ang mga bagay na hindi ko nakasanayang gawin sa sarili ko. Ang Cambodia ang nag bigay sa akin ng lakas ng loob na kailangan kung mahalain ang aking ginagawa kasi ika nga YOLO, “You Only Live Once”. Bawat labas ko sa Thailand, iniiwan ko ang mga puot, galit, tiis, kaba, at stress sa trabaho upang pag balik ko ng Thailand na reformat na ang utak ko at mag simula ulit ng maayos na pagtatrabaho. Kailangan ko lang talagang mahalin ang ginagawa ko kasi doon ako kumakapit, doon ako naging matatag at doon din ako naging matapang sa pagharap pagsubok sa aking buhay.